Mga Akda ni Gat Emilio Jacinto

Sinaliksik at tinipa sa kompyuter ni Gregorio V. Bituin Jr., upang muling ipamahagi at ipabasa sa kasalukuyang henerasyon ang mga ginintuang sulatin ni Gat Emilio Jacinto. Ang blog na ito'y bilang paghahanda na rin sa ika-120 anibersaryo ng kamatayan ni Jacinto sa Abril 16, 2019. At sa ika-150 kaarawan niya sa Disyembre 15, 2025.

Lunes, Setyembre 7, 2015

Sina Rizal at Jacinto Hinggil sa Kabanalan


Ipinaskil ni gwapito sa 9/07/2015 06:31:00 PM Walang komento:

Huwebes, Setyembre 3, 2015

Sina Tesla at Jacinto Hinggil sa Oneness of All o Kaisahan ng Lahat


Ipinaskil ni gwapito sa 9/03/2015 06:04:00 PM Walang komento:
Mga Mas Bagong Post Mga Lumang mga Post Home
Mag-subscribe sa: Mga Post (Atom)

Mabuhay ka, Ka Ilyong!

Mabuhay ka, Ka Ilyong!

Mga Sumilip Sa Blog na ito

Mata ng Katipunan at Kaluluwa ng Himagsikan

Mata ng Katipunan at Kaluluwa ng Himagsikan

Archive sa Blog

  • ▼  2015 (2)
    • ▼  Setyembre (2)
      • Sina Rizal at Jacinto Hinggil sa Kabanalan
      • Sina Tesla at Jacinto Hinggil sa Oneness of All o ...
  • ►  2012 (1)
    • ►  Agosto (1)
  • ►  2008 (15)
    • ►  Nobyembre (6)
    • ►  Oktubre (9)







Jacinto marker, Magdalena, Laguna

Jacinto marker, Magdalena, Laguna

P20 - Bonifacio at Jacinto

P20 - Bonifacio at Jacinto

Aklat na Liwanag at Dilim

Aklat na Liwanag at Dilim
Inilathala ng Aklatang Obrero Publishing Collective, 2007

Tula

SALAMAT SA AKDANG “LIWANAG
AT DILIM” NI EMILIO JACINTO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig bawat taludtod

Maraming salamat, Emilio Jacinto
Sa maraming aral na binahagi mo
Ito’y tunay naming ikapapanuto
Sa lipunang itong dapat na mabago.

Ang ibinilin mong pagpapakatao
Ay dapat umiral ngayon sa’ting mundo
Tigilan ang away at mga perwisyo
Kundi magkaisa, maglingkod sa tao.

Liwanag at Dilim, malikot ang diwa
Sadyang nanggigising ang maraming paksa
Matalim, malalim ang iyong adhika
Na s’yang kailangan nitong ating bansa.

Maganda ang aral sa nakakabasa
Na nanaisin ngang maglingkod sa masa
Mga akda itong sa ami’y pamana
Isang pasalubong sa bagong umaga.

Mga sulatin mo ay napakahusay
Sa balat at diwa nami’y lumalatay
Mga aral itong dapat isabuhay
Tungo sa sistemang may pagkakapantay.

Maraming salamat sa iyong pamana
May liwanag ngayon kaming nakikita
Upang ating bayan ay mapagkaisa
At mabago itong bulok na sistema.

Salamat, salamat sa iyo, Jacinto
Pawang karangalan itong pamana mo
Pag-ibig, paglaya, pagpapakatao
Paggawa, katwiran, lahing Pilipino.

Nobyembre 7, 2007, Sampaloc, Maynila

(ang tulang ito'y nalathala sa librong “Liwanag at Dilim ni Emilio Jacinto” ni GBJ, p.45, at inilimbag ng Aklatang Obrero Publishing Collective)

Mga tagasunod

videokeman mp3
Bayan Ko Tagalog – Freddie Aguilar Song Lyrics

Disenyo ng tshirt

Disenyo ng tshirt

Simple na tema. Pinapagana ng Blogger.